Isang pagbati kaibigan. Ikaw ay maaaring magtaka kung sino kami. Hindi kami isang denominasyon. Kami ang Iglesia ng Dios na buhay, tulad ng ating mababasa sa Bagong Tipan.
Sa loob ng napakahabang panahon, ang relihiyosong sanglibutan ay nakikitang lumisan na sa apostolikong mensahe ng Iglesia ng Dios. Ang pangyayaring ito ay pinatututohanan sa pamamagitan ng pananaig ng kondisyon ng kamatayang ispirituwal at kawalan ng pandama, ang pagpapatangay sa anod ng kamunduhan, ang pagtanggi sa malalim na ispirituwalidad, ang pagkawala ng sigasig at sikap sa pangangaral ng ebanghelyo at ang patuloy na lumalagong pagsalig sa paniniwalang tradisyon, makataong-pamamahala, at ang karunungan na umalam ng doktrina. Hindi na pinapahintulutan ng Dios ang ganitong madilim na mga kalagayan. Siya ngayon ay nagpapadala ng Espiritung Banal na paggising. Ito ay ang banal na pagkilos ng Ispiritu, na itinalaga ng Dios at hinulaan sa Apocalipsis at iba pang mga kasulatan. Muling pinanunumbalik ng Dios ang Kanyang Iglesia at tinatawagan ang lahat ng Kanyang tunay na mga anak na lumabas sa bawat sektang kinabibilangan at pagkakabaha-bahagi pabalik sa iisang kawan.
Ito na ang oras para sa bawat isa na anak ng Dios na makinig at sumunod, sa kapuspusan, at ng mahahalagang salita ng Dios. Siya sa atin ay nananawagan upang maging isang Iglesia ng Dios sa apostolikong katuturan; hindi sa pangalan lamang, bagkus sa realidad at kapangyarihan. Hayaang ang mga kasulatan ang magsaayos ng mga bagay na ito. Ang Dios ay hindi babalik para sa nagapi, nagkakabaha-bahagi, kalikuang ispirituwal, at sa walang kapangyarihang iglesia. Siya ay paparito para sa isang maluwalhating Iglesia na walang dungis o kulubot o anumang gayong bagay (Efeso 5:27).
Sa panahong ito ng panunumbalik, kami ay nasisiyahan na ang apostolikong mensahe ng Iglesia ay minsan pang pinatunog na malinaw, sa kanyang kadalisayan at kapangyarihan, upang tipunin sa Dios ang Kanyang maluwalhating kasintahang babae na binili ng Kanyang dugo, ito ang Iglesia ng Dios. Kaya, kanya na ngayong inihahanda ang kanyang sarili para sa nalalapit na pagbabalik ng taga-pagligtas.
Kami ay masigasig na tatagpuin ang lahat ng mga umiibig sa katotohanan at iniibig rin naming marinig ito mula sa iyo!
“At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.” Apocalipsis 22:17.