Babasahin

Upang Makaparoon Sa Langit…

…Kailangan Mong Maipanganak Na Muli “Huwag kang magtaka sa aking sinasabi sa iyo, kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli.” Juan 3:7. …

…Kailangan Mong Maipanganak Na Muli

“Huwag kang magtaka sa aking sinasabi sa iyo, kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli.” Juan 3:7.

Ang sanglibutan na kung saan tayo ay nananahan ay pasama ng pasama sa bawat araw na dumadaan. Ang banta ng terorismo ay palagiang nakikita sa lahat ng pangunahing balita. Ang mga kabataan ay pumapatay ng kanilang kamag-aral at kapwa kabataan. Ipinapalagay na ang pag gawa sa ika-bubuti ng iba ay tanda ng kahinaan. Ang pagpapalaglag ng sanggol sa mga klinika ay lalong tumitindi. Mga magulang na hindi kasal at mga anak na hindi nais maipanganak ay dumadami saan man. Matulin ang pagbagsak ng moralidad habang ang kawalan ng pagpapahalaga at kawalan ng malasakit ay kasalukuyang lumalala.

Sa ganitong kalagayan na ating kinakaharap, ang salita ni Hesus ay pinatutunog ng malakas at malinaw. “Huwag kang magtaka sa aking sinasabi sa iyo, kinakailangan ngang kayo’y maipanganak na muli.” Sa ibang kahulugan, huwag kang mabigla kung aking sasabihin sa iyo na ikaw ay kailangang ipanganak na muli. Makikita mo, walang anumang bagay na magkukulang sa kamangha-manghang biyaya ng Dios na pigilin ang pagbulusok ng kasalanan at ang epekto nito. Ang Dios ay nagnanais na wasakin ang kaharian ng kasalanan sa isang kaluluwa sa isang saglit. Kaya nga’t ang mga salita ng tagapagligtas ay tiyak. IKAW ay kailangang ipanganak na muli.

Si Hesus ay nagnanais na ikaw ay mapalaya sa pagkaalipin ng kasalanan at mabigyan ng bagong buhay ng kalayaan sa Kanya. Na Kanyang lubos na pinakananasa na ikaw ay maipanganak doon sa kaharian ng Dios at maging isang bagong nilalang. “Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Kristo, siya’y bagong nilalang; ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito sila’y pawang naging mga bago.” 2 Corinto 5:17. Aking kaibigan, anuman ang mga kasalanan at mga paglabag na iyong nagawa laban sa Dios, ay magagawa Niya na ikaw ay linisin na gaya ng isang sanggol na walang muwang, kung iyo lamang Siyang hahanapin na may tunay na pagsisisi.
Mayroong kilalang paniniwala sa panahong ito na nananaig sa isipan ng marami. Ang paniniwala na ang lahat na kakailanganin upang mabigyang lugod ang Dios at upang makaparoon sa langit ay “maniwala sa Dios” “magsimba” at gawin lang ang magagawa ay sapat na. Nguni’t minamahal, ito ay isang kasinungalingan na pinalalaganap ng Diablo. Sa Juan 3:3 sabi ni Hesus, “Katotohanang, katotohanang, sinasabi ko sa iyo, maliban na ang tao’y maipanganak na muli ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.” Kung ikaw ay naniniwala sa Dios, ay marapat na iyong sundin ang Kanyang mga sinasabi. Iyong kailangang tanggapin ang kapatawaran ng Dios sa iyong mga kasalanan at iwan ang lahat ng ito at mamuhay ng bagong buhay kay Hesus – isang banal na buhay, na hindi na gumagawa ng kasalanan.

Pakiusap iyong paka-isipin ang mga salitang ito ngayon. Ito’y inaalay sa pag-ibig, hindi ng paghatol. “Sapagkat hindi sinugo ng Dios ang Kanyang anak sa sanglibutan, upang hatulan ang sanglibutan, kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.” Juan 3:17. Ililigtas ni Hesus ang lahat na lumalapit sa Kanya na may katapatan, at ninanais Niya na ikaw ay iligtas mula sa kasalanan at sagipin sa pagkabulid sa impiyerno.

Pakiusap, siyasatin mo ang iyong kaluluwa ngayon. Kung hindi ka pa naligtas, tumawg ka sa pangalan ng Panginoon bago mahuli ang lahat sa walang hanggan. Ipahayag at iwan ang lahat ng kasalanan, at ikaw ay Kanyang ililigtas. Kailangan mong maipanganak na muli.

Dale Hayton

Leave a Comment