“Ngayon nga’y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.” Hagai 1:5.
Ito ay isang pakiusap sa lahat ng mga tao. Nangangahulugan ito na dapat kang huminto at isipin kung anong landas ang tinatahak ng iyong buhay. Saan ba patutungo ang daan na aking nilalakaran? Ako ba ay nasa daang papunta sa langit? Ano ba ang huling hantungan ng aking mga lakad?
Ang iyo bang buhay, na kung susuriin sa pamamagitan ng salita ng Dios, ay magbibigay sa iyo ng buhay na walang hanggan o ito’y ikapapahamak ng iyong kaluluwa sa impiyerno?
Mayroon lamang dalawang daan. Isang daan na papuntang langit. At ang isa ay daan patungong impiyerno. Maaari mong itanong, “Paano ko malalaman kung saang daan ako naroon?” Isang paraan upang masagot mo ang bagay na ito ay kung ikaw ay nabubuhay ng walang ginagawang kasalanan. Kung hindi pa, ikaw ay nasa maling daan. Sinasabi ng Bibliya sa 1 Juan 3:8, “Ang gumagawa ng kasalanan ay sa Diablo.”
Maaari mo ring maitanong, “Ano ang kasalanan?” Ipinaliliwanag ito ng Bibliya na maigi sa Santiago 4:17. Nakasaad dito, “Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti at hindi ginagawa, itoy kasalanan sa kanya.” Ang paggawa ng kasalanan ay paglaban sa pakikipagugnayan ni Cristo at pagyurak sa Kanyang kahabagan.
Una nating gunitain ang daan ng kasalanan. Ito’y landas na walang kasiyahan. Mababasa sa Hagai 1:6, “Kayo’y nangaghasik ng marami…ngunit hindi kayo nagkaroon ng kahustuhan; kayo’y nagsisinom ngunit hindi kayo nangapapatirang-uhaw; kayo’y nangananamit, nguni’t walang mainit; at yaong kumikita ng mga pinagarawan ay kumikita ng mga pinagarawan upang ilagay sa supot na may mga butas.” Ganito ba ang iyong buhay? Nasubukan mo bang hanapin ang kasiyahan sa kasalanan? Hinding hindi mo ito matatagpuan dito kailanman. Ang kasalanan ay isang daan na mahirap lakaran. Hindi ka makapaglalakbay dito nang hindi ka mananakawan ng lahat ng mga magagandang bagay. Hindi ito magbibigay ng walang hanggang kagalakan. Marami itong ipapangako sa iyo, ngunit kaunti lamang ang tutuparin. Lahat ng kanyang pangako ay hungkag. Ang kasiyahan ng kasalanan ay panandalian lamang (Heb. 11:25). Hindi ka lamang sasaktan ng kasalanan sa kasalukuyan kundi ang kanyang huling hantungan ay walang hanggang pagdurusa na kung saan wala nang pag asa at ito’y wala ng katapusan. Napakalaking panganib na ikaw ay lumakad dito kahit sa isang sandali lamang!
“Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagkat maluwang ang pintuan, at malapad ang daang, patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo’y nagsisipasok.” Mat. 7:13. “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.” Roma 6:23.
Salamat sa Panginoon na hindi Niya tayo iniwan na walang pagasa! Mayroong ibang daan.Maaari mong piliin ang daan ng kabanalan. Sabi ng Kanyang mga salita sa Mateo 7:14, ito ang makipot na daan, ngunit magdadala sa iyo sa walang hanggang buhay. Ito ang magbibigay ng kakontentuhan sa iyong kaluluwa. Sabi sa Juan 4:14, “Datapwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kanya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; ngunit ang tubig na sa kanya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan.”
Ikaw ba ay naghahanap ng isang bagay na magbibigay sa iyo ng tunay na kakontentuhan at kagalakan? Kung ikaw ay papasok sa makipot na pintuan, ay matatagpuan mo ang iyong hinahanap. Ito ang pinakamabuting daan. Ang gantimpala nito ay dakila. Kung iyong pipiliin ang daan na ito ay hinding hindi mo ito pagsisisihan.
Maaari mong itanong, “Paano ako makaparoroon sa makipot na daan?” Sabi Gawa 3:19 na mangagsisi at mangagbalik loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan. Sinasabi sa Isaias 1:18, “Magsiparito kayo ngayon, at tayo’y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula…ay magiging parang balahibo ng tupa.” Gayundin, sinasabi sa Juan 3:7 kailangan ngang tayo’y maipanganak na muli.
Kailangan ang tunay na pagsisisi at magkaroon ng kalumbayang mula sa Dios. Sabi sa 2 Corinto 7:10, “Sapagka’t ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwa’t ang kalumbayang ayon sa sanlibutan ay ikamamatay.” Ang kalumbayang mula sa Dios ang siyang gagawa upang mabago ang iyong buhay. Kung ikaw ay magsisi na may kalumbayang mula sa Dios, hindi kana magpapatuloy sa iyong kasalanan. Magiging maingat ka na sa iyong mga lakad. Samantala, ang kalumbayang mula sa sanlibutan ay gagawa para sa iyong kamatayan sa pamamagitan ng pagdaya sa iyong kaluluwa na akala mo’y ikaw ay nasa kapahingahan at mabuti ang iyong pakiramdam. Sa 1 Juan 5:18 ganito ang sinabi, “Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa’t ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.”
Aling daan ang iyong tatahakin? Mananatili ka ba sa landas na nilalakaran mo sa kabila ng pagsamo ng espiritu ng Dios at maging isa ka sa pupunta sa walang hanggang pagdurusa? O isa ka sa mga naniniwala sa kaligtasan ng kaluluwa, at tanggapin ang kaloob ng buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus?
Oh, kaluluwa, pakaingatan mo kung paano ka pipili! Ito ang pinakamahalagang pagpapasya na iyong gagawin. Pipiliin mo ba ang buhay? O ang kamatayan? Nasa iyo ang pagpipili. Piliin mo si Cristo! Siya ANG DAAN, ang katotohanan, at ang buhay.
Bill O’Shea