Babasahin

28 na Palatandaan ng Tunay na Iglesia

28 na Palatandaan ng Tunay na Iglesia 1. Siya ay itinayo sa pamamagitan ni JesuCristo. “Itatayo ko ang aking Iglesia; …

28 na Palatandaan ng Tunay na Iglesia

1. Siya ay itinayo sa pamamagitan ni JesuCristo. “Itatayo ko ang aking Iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” Mat. 16:18

2. Ang kanyang tema ay pagibig (1.Jn 3:14; Mat. 5:44; 1.Cor 13:1-8, 13). “…Ang pagibig ay sa Dios; at ang bawat umiibig ay ipinanganak ng Dios…” 1.Jn 4:7

3. Siya ay tinatawag mula sa kasalanan sa pamamagitan ng evangelio (Rom. 1:16; 10:13; 2.Tes. 2:14). “Ngunit yamang banal ang sa inyo’y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo…” 1.Pedro 1:15

4. Ang Iglesia ay ang katawan ni Cristo; mayroon lamang isang tunay na Iglesia (1.Cor. 1:2; 12:27; Jn 10:16). “May isang katawan…” Ef. 4:4

a. Hindi siya nagkakabahabahagi (1.Cor 1:10, 13)
b. Siya ay mayroon isang kaisipan, paghatol at pananampalataya (Ef. 4:4-5, Judas 3)
c. Ang mga kabilang dito ay mayroong iisang puso at isang espiritu (Gawa 4:32)
d. Ang kanyang mga kapisanan o kongregasyon ay mayroong magkakaparehong panuntunan at paglilingkod (1.Cor. 4:17; 11:16; 14:33; Ef 4:11-13; Gawa 15:23, 28).

5. Ang mga kabilang sa katawan ni Cristo, ang Iglesia, ay mga banal, sapagkat Siya ay banal (1.Ped. 1:16; 1.Cor 1:2; Ef 1:1). “…tinawag na mangagbanal…” Rom 1:7.

6. Ang kanyang bayan ay ang iba’t ibang angkan, wika, mga tao, at bansa, kasama ang mga kabataang mananampalataya gayundin ang mga matatanda (Apoc. 7:9; Mat 19:14). “…sapaka’t ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawat angkan, at wika, at bayan, at bansa.” Apoc. 5:9.

7. Ang kanyang bayan ay pantay-pantay at laging nalalaan na tawagin ng Dios sa anumang gawain o tungkulin, anumang lahi, kalagayan sa lipunan,nasyonalidad,kasarian. “Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man, sapaka‘t kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.” Gal. 3:28.

8. Ang Panginoon ang siyang naglalagay ng kanyang miyembro sa katawan, tinatawag at inilalagay ayon sa kanyang minagaling (Gawa 13:2; 20:28; Ef. 4:8, 11). “Datapuwa’t ngayo’y inilagay ng Dios ang bawa’t isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.” 1.Cor 12:18.

9. Sa kanyang paglilingkod-mga apostol,mga propeta, mga evangelista, mga pastor at mga tagapagturo- ayon sa ikatitibay ng katawan at ng kapakanan na mayroong pasanin sa kaluluwa ng mga tao, binigyan ng kapangyarihan na magbuklod at magtiwalag, at magkaroon ng pamumuno sa mga anak ng Dios bilang kamanggagawa sa kanilang kagalakan (2.Cor 12:19; Heb. 13:17; 2.Cor 1:24). “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit; at anomang iyong talian ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Mat 16:19.

10. Kanyang pinapanatili at itinuturo ang palatuntunan ng bautismo ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng paglubog sa tubig (Jn. 3:23; Gawa 8:38); Ang pagputolputol ng tinapay o huling hapunan at paghugas ng mga paa. (1.Cor 11:23-26; Jn 13:14-15), at banal na halik (Rom. 16:16). “Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo…” Mat 28: 19-20

11. Siya ay naniniwala sa banal,na pagpapagaling ng ating pisikal na katawan (Mat. 8:16-17). “May sakit baga ang sinuman sa inyo? Ipatawag niya ang mga matanda sa iglesya; at ipanalangin nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon”. Santiago 5:14.

12. Siya ay nagpapatuloy sa aral ng mga apostol at mga propeta, pinanghahawakan ang banal na kasulatan, ang Biblia, na ito ay walang kamalian,kinasihan,at kumpletong banal na kapahayagan (Gawa 2:42; 2.Ped. 1:20-21; Judas 3).

13. Siya ay naniniwala sa banal na pagkakaisa ng Ama,Anak at Banal na Ispiritu, tatlong persona sa iisang Dios (Mat. 28:19; 2.Cor. 13:14; Ef 4:4-6). “Sapagkat mayroong tatlong nagpapatotoo na nangasulat sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo at ang mga ito ay iisa.” 1.Jn 5:7

14. Kanyang itinuturo na ang sangkatauhan ay may likas na pagkasira mula sa pagkahulog ni Adan at ang katubusan sa pamamagitan ni Cristo at ang tawag ng kaligtasan ay para sa lahat ng sangkatauhan, “sino mang may ibig” (Rom. 5:15-19; Apoc 22:17). “Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala.” Rom 5:12

15. Ang kanyang mga nangagbalik loob ay “nangagpatuloy sa kasakdalan” pagkatapos nilang matamo ang pang unang pagbabago ay tanggapin ang bautismo ng Espiritu Santo, dinadalisay ang kanilang mga puso sa likas ng pagkasira na minana kay Adan. (Heb. 6:1; 4:3; Gawa 15:8-9; Ef. 1:13; 2.Ped. 1:4). Ang katunayan ng bautismo ng Espiritu Santo ay ang banal na pamumuhay, ito ay hindi ng mga maling katuruan na sinasabi ng iba na nagsasalita, “ng mga wika” (1.Cor. 3:16-17; Ef. 5:9; 2.Tim. 2:22). “…Tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwat kayo’y babautismuhan sa Espiritu Santo” Gawa 11:16.

16. Ang lahat ng kanyang ngagbalik loob ay tunay na mga bagong nilalang kay Cristo, pagkatapos na maipanganak na muli – Juan 3:3. (Dinala ng Ama sa pamamagitan ng Espiritu – Juan 6:44; 12:32; para magkaroon ng kalumbayan mula sa Dios sa pamamagitan ng evangelio – 2.Cor. 7:8-10; Gawa 2:37; pinatnubayan sa pagsisisi at pananampalataya – Rom. 2:4; 10:17; pagkatapos na maipahayag ang kasalanan sa Panginoon – 1.Juan 1:9; pagkatapos talikuran ang lahat ng mga kasalanan – Rom. 6:1, 2, 18; at tinawag sa pangalan ng Panginoon para sa kaligtasan – Gawa 2:21; Rom. 10:13; ang kanilang espiritu ay tumanggap ng patotoo mula sa kanyang Espiritu na sila ay mga anak ng Dios – Rom. 8:16; nagpasimula at nagpatuloy na maipanumbalik ang lahat ng bunga ng mga nagawang kasalanan – Lukas 19:8; Gawa 19:19; at lumakad sa lahat ng liwanag ng salita ng Dios at ng Espiritu – 2.Ped. 1:19; Gal. 5:16). “Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.” 2.Cor. 5:17.

17. Siya ay hiwalay mula sa espiritu ng sanlibutan sapagkataong loob, at mula sa bawat panlabas na kapahayagan,kasali ngunit hindi limitado sa kanyang mga kasayahan, sa pananamit, sa pagiging makabayan, at sa kanyang pagpapatuloy, at sa lahat ng mga kasalanan nito. Sa makatuwid, ang kanyang ginagamit na kasuotan ay sangayon sa kalooban ng Dios, payak at mahinhing panlabas na kasuotan mula sa isang maamo at mahinahong espiritu (1.Cor. 2:12; 1.Juan 5:19; 1.Ped. 3:3-4). “At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong pagiisip…” Rom. 12:2.

18. Hindi siya nananakit(wala siyang sinasaktan na sinoman; hindi nakikisama sa ano mang paraang karnal na gawain ng militar) (Luk. 3:14; Juan 18:36; 2.Cor. 10:4). “…Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nanga popoot sa inyo … Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila…” Luk. 6:27-29.

19. Ang kanyang mga pagsamba ay pinangungunahan ng Banal na Espiritu sa bawat aspeto gayundin sa mga awitan(walang anumang saliw ng instrumentong mekanikal o musikal) Ef. 5:19; Col. 3:16; gayundin kung sino man ang mananalangin,magpapatotoo, maghahamon, mangangaral; at gayundin kung ano ang mga aawitin, at ang pagkakasunod-sunod ng mga bagay na dapat gawin. (1.Cor. 12:4-7; 14:15, 40) “…sa pamamagitan ng tulong ng, bawa’t kasukasuan ayon sa paggawang nauukol sa bawa’t ibat ibang sangkap…” Ep. 4:16.

20. Siya ay tinawag sa mga huling araw na ito upang gawin ang paghatol ng Dios at mahayag sa lahat ng bansa, na tinatawag ang lahat na mga kaluluwa mula sa mga bulaang relihion at ng sanlibutan (Babilonia) tungo sa isang tunay na kawan. (Mat. 13:38-41; Mar. 16:15; Apoc. 18:1-4). “At nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. Pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, sapagka’t sa mga yao’y magaganap ang kagalitan ng Dios.” Apoc. 15:1

21. Kanyang itinuturo na mayroong walang hanggang kaparusahan at walang hanggang gantimpala ayon sa kanyang mga ginawa sa katawan (Mat. 25:46; 2.Cor. 5:10). “Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kanyang gawa.” Apoc. 22:12

22. Kanyang ipinatutupad ang makatarungang paghatol sa kapulungan sa loob ng Iglesya (1.Cor. 5:4-5; 2.Tes. 3: 14-15). “…Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob? … Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao”. 1.Cor. 5:12-13.

23. Siya ay namumuhay na may pagpapakasakit alang alang kay Cristo at sa evangelio (Mat. 19:29; Lk. 14:33; Rom. 12:1). “Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kanyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin…” Mar. 8:34-35.

24. Siya ay naniniwala sa kabanalan ng pagaasawa o kasal, isang lalake at isang babae habang buhay (Mat. 19:5-6; Lk.16:18; Rom. 7:2-3). “Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kanyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa: At kung ihiwalay ng babae ang kanyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya.” Mar. 10:11-12.

25. Ang kanyang bayan ang tunay na mga Judio, Judio sa panloob. Ang pisikal na bansa ng mga Judio ay hindi na, sa pangkalahatan, na maging bayan ng Dios (Gal. 4:25-31; 1.Tes. 2:14-16). “Sapagkat siya’y hindi Judio kung sa labas lamang … datapuwa’t siya’y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik…” Rom. 2:28-29

26. Siya ay nakatingin kay Cristo sa kanyang pagbabalik sa alapaap sa kanyang pangalawa at huling pagdating sa araw ng paghuhukom, na kung saan ay magkakaroon ng pagkabuhay na maguli ng mga matuwid at di matuwid. (Wala ng “isang libong taon” na paghahari dito sa lupa, sapagkat ang mga banal ay nasa kaharian na ngayon.) At walang lihim na pag-agaw mula sa lupa bago ang araw na yun.langit at lupa ay mag lalaho na (Heb. 9:27-28; Juan 5:28-29; Gawa 24:15; 1.Cor. 15:52; 1.Tes. 4:15-17; 2.Ped. 3:7, 10-11). “Narito, siya’y pumaritong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kanya…” Apoc. 1:7.

27. Kanyang itinuturo na posibleng ang banal ay mahulog mula sa biyaya, mawala ang kanyang kaligtasan (Gawa 1:25; 1.Cor. 10:12; Gal. 5:4). “Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios: ang kabagsikan ay sa nangahulog, datapuwa’t ang kabutihan ng Dios ay sa iyo, kung mamamalagi ka sa kanyang kabutihan: sa ibang paraan ay ikaw man ay puputulin.” Rom. 11:22.

28. Siya ay ang Iglesia ng Dios (Gawa 20:28; 1.Cor. 10: 32; 15:9; 1.Tim. 3:5). “…sa Iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya” 2.Cor. 1:1

Leave a Comment