“Datapuwa’t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. Abang tao ako! SINO ANG MAGLILIGTAS SA AKIN sa katawan nitong kamatayan?” Roma 7:23,24.
Sa Kapitulo 7 sa aklat ng Roma, si Apostol Pablo ay nagpahayag ng kanyang patotoo kung ano ang kanyang kalagayan habang siya’y nasa ilalim ng lumang kautusan ni Moises at bago siya mabago sa pamamagitan ni Hesukristo. Siya ay nasa ilalim ng kapagyarihan ng kasalanan, sa kabila ng kanyang pagnanais na gumawa ng kabutihan at mga relihiyosong gawain.
O KASALANAN – isang kasumpa – sumpang mapaniil! Malaking suliranin ng sangkatauhan! Sinong makatatakas sa kanyang kakilakilabot na gapos? Wala bang makakalaya sa ganitong kalagayan ng buhay? Ang ganito bang pagkaalipin ay hindi na mawawasak? Si apostol Pablo ay nagpapaliwanang sa mga bumabasa sa pamamagitan ng nagsusumigaw na katanungan, “Sinong makapagliligtas sa akin?”. O gaano ang kanyang gaghibik upang mapalaya mula sa kasalanan! At dumating ang isang araw na maluwalhati, kanyang natagpuan ang Tagapagligtas sa daan patungong Damasco, at siya’y lumuhod at tumangis, “Ano ang dapat kong gawin upang maligtas?”
Mga minamahal na bumabasa, ang tunay na pagsisisi at pagpapakababa ang magdadala sa iyo sa paanan ni Hesukristo na siyang magbubukas ng pintuan patungo sa isang makapangyarihang kaligtasan. Pagkatapos ng karanasang ito, si Saulo, na dating relihiyosong makasalanan, ay lumakad sa isang bagong buhay, hindi upang maging isang “abang tao” na nasa kasalanan muli. “Sinomang pinalaya ng Anak ay tunay ngang malaya!”
Kalakip ang matagumpay na kagalakan, si apostol Pablo ay nagpatuloy na magpatotoo ng kanyang sinimulan sa Roma 7. Nasusulat sa Roma 8:1-2: “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagka’t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.” Sinong makapagliligtas sa akin? Gloria! Purihin ang Panginoong Hesus! O anong dakilang Tagapagligtas! “Ililigtas Niya ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan!”
“…Siya’y nahayag upang magalis ng mga kasalanan…Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala…Mumunti kong mga anak, huwag kayong padaya kanino man…Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka’t buhat pa ng pasimula ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo.” 1 Juan 3:5-8.
Walang alinlangan na natapos na ng ating Panginoong Hesus ang kanyang layunin sa kanyang pagparito. Kung sasabihin natin na hindi tayo makalalaya mula sa kasalanan ay tinatanggihan natin ang kapangyarihan ng ating Panginoong Hesukristo. Subalit, ang patotoo ng mga nagsasabing Cristiano ngayon ay sila’y pinaghaharian ng kasalanan at walang sinomang maaaring mabuhay ng walang kasalanan sa sanlibutang ito. Anong laking pag wawalang halaga sa kapangyarihan ng Anak ng Dios! Anong laking paninira sa kaluwalhatian ng Evangelio ng Panginoong Hesus! Anong karumaldumal na balita upang sabihin sa sadlak sa kasalanang sangkatauhan! Ito ba ang mabuting balita na magbibiay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga tao na pati ang mga anghel ay magpupuri? HINDI!
Si Apostol Pablo ay gumamit ng salitang maligtas, “Sinong makapagliligtas sa akin?” Hindi niya sinabing, sinong magpapatawad sa akin, bagama’t kailangan din niya ang kapatawaran. Kanyang napagtanto na kailangan ng lunas upang makita ang kamalian ng kasalanan at bunutin ang ugat nito. O, ang kasalanan ay kinakailangang mapagtagumpayan. Kanyang natagpuan ang pagtatagumpay sa ating Panginoong Hesus lamang at magmula noon ay hindi na siya katulad ng dati. Ito’y inyong mababasa sa mga sulat ni Pablo. Siya’y alipin ng kasalanan bago magkamit ng kaligtasan at sa bandang huli ng kanyag buhay ay kanyang naipatotoo at naituro na kay Hesukristo tayo’y higit pa sa mapagtagumpay. Siya’y namuhay ng banal at matuwid at walang kapintasan … pinalaya mula sa kasalanan at kanyang sinabi, “Magpapatuloy pa ba tayo sa pagkakasala, upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari. Paano nga na tayo na mga patay sa kasalanan ay magpapatuloy pa riyan?”
Hindi ba’t nakakapagtaka na kung itinatanong ng Bibliya, “Magpapatuloy pa ba tayo sa pagkakasala?” at ang ipinagpipilitang sagot ng mga relihiyoso sa sanlibutang tio ay oo, dahil hindi maiiwasan, kahit na ang tugon ng Bibliya ay, “Huwag nawang mangyari!”. At kung sinasabi ng Bibliya na ang Cristiano ay patay na sa kasalanan, subalit karamihan ng mga nagsasabing sila’y Cristiano ay nabubuhay pa rito?
Mga minamahal naming kaluluwa huwag kayong maniwala sa kanila! “Sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi na nagkakasala.” Magagawa mo at kailangang maging malaya ka sa kasalanan upang makarating sa langit.
S. Mutch