Sa Evangelio ni Juan, ating nabasa ang pigingang nangyari sa Cana. Dito ay binigyang diin ni Maria ang kahalagahan ni Hesus na kanyang anak, at ang salitang kanyang sinabi.
Napag unawaan na ang alak ay ubos na, at s‘ya sa kanyang sarili ay wala s‘yang magagawa ni anomang bagay. Si Maria ay nagbigay utos sa mga utusan. Isa na kung saan dapat nating isa alang–alang. “Sinabi ng kaniyang ina sa mga utusan, Gawin ninyo ang anomang sa inyo‘y kaniyang sabihin.” Juan 2:5
Ito lamang ang nakatala sa Biblia na kung saan si Maria ay nagbigay utos, Kaya naman sa lahat na Romano Katoliko ay nagmamadaling sundin ang kanyang salita. “Gawin ninyo ang anomang sa inyo‘y kaniyang sabihin.”
Dahil sa layunin ng lahat ng mabuting Romano Katoliko, ay makarating sa langit. Ating tignan ang Biblia at isagawa kung ano ang sinabi ni Maria na gawin – tignan kung ano ang sinabi ni Hesus at gawin ito.
Sinabi ni Hesus … S‘ya lamang ang natatangi mong tagapagligtas: “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6
Hindi niya sinabi … Na magtiwala sa mga banal, Papa o kaya sa kanyang inang si Maria, upang makapagligtas sa‘yo. “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka‘t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” Mga Gawa 4:12
Sinabi ni Hesus … Manampalataya sa Kanya, na s‘yang tanging makapagliligtas sa‘yo. “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni‘t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.” Juan 3:36
Hindi niya sinabi … Ang pinaka mainam na handog at mabuting gawa ay makakatulong sa‘yo. “Datapuwa‘t sa Kaniya na hindi gumagawa, nguni‘t sumasampalataya sa Kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.” Roma 4:5
Sinabi ni Hesus … Ang salita ng Dios ang s‘yang may kapamahalaan na ito‘y sundin. “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya‘y hahatol sa huling araw.” Juan 12:48
Hindi nya sinabi … Ang kaugalian o ang mga utos ng tao ang s‘yang kanyang salita. “Datapuwa‘t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.” “Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali‘t-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito.” Marcos 7:7,13
Minamahal kong kaibigang Katoliko, ikaw ay pwedeng maligtas ngayon, at malaman mo na ikaw ay may buhay na walang hanggan, kung susundin mo ang Salita ng Dios at ibihis mo ang buong pananampalataya kay HesuKristo at tumigil sa pagtiwala sa iyong sarili. Ang iyong “iglesia”, sakramento o anomang bagay na makakaligtas o makakatulong sa pagliligtas sa‘yo. Si Hesus ang S‘yang manunubos.
“Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo‘y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong pananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.” 1.Juan 5:13
Pipiliin mo bang maniwala sa sinabi ni Hesus? Naniniwala ka ba na kaya N‘yang gawin sa‘yo kung anu ang sinabi N‘ya? “Sapagka‘t, ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.” Roma 10:13
Maaaring iniisip mo na kami ay anti-Katoliko? Kaibigan, mahal ka namin at ayaw naming mapunta ka sa impyerno pag namatay ka. Muli mong siyasatin ang iyong paniniwala. Magsalik-sik ka sa salita ng Dios o Biblia. Sino mang tumanggi sa sinabi ni HesuKristo ay anti-Kristo. “Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin.” Mateo 12:30