Babasahin

Nagkakasala ba ang mga Cristiano?

Hayaang mangusap ang mga BANAL NA KASULATAN Si Jesucristo ay isang makapangyarihang Manliligtas at ang Kaniyang ebanghelyo ay kapwa maluwalhati …

Hayaang mangusap ang mga BANAL NA KASULATAN

Si Jesucristo ay isang makapangyarihang Manliligtas at ang Kaniyang ebanghelyo ay kapwa maluwalhati at makapangyarihan. Ang kaluluwang tunay na nagsisi ay makakatamo ng kaligtasan ng di lamang ng kapatawaran kundi din ng kalayaan mula sa lahat ng kasalanan. Oo, ang isang Cristiano ay namumuhay na malaya mula sa paggawa ng kasalanan!

Nakakalungkot na isipin, na karamihan sa mga kumakalat na ebanghelyo ngayon ay hindi isang tunay na ebanghelyo kailanman. Pinananatili lamang nito ang mga tao sa kanilang mga kasalanan, at pinaniniwalaan nilang sila’y hindi makakalaya mula sa mga ito hanggang sa matapos silang mamatay. Ito’y isang“ huwad na ebanghelyo“ at “ huwad na Jesus“ at ito ay taliwas sa kaligtasang naaayon sa kasulatan. Ang sinomang taong nangangaral na ang isang taong nagkakasala ay maaari paring maging Cristiano ay hindi sa Dios. Ang mga ito’y may anyo ng kabanalan datapuwat tinanggihan ang kapangyarihan nito: sa mga ito’y mangagsilayo kayo!

“Mga minamahal, suriin ninyo ang inyong karanasan sa liwanag ng mga banal na kasulatan ukol sa napakahalagang usaping ito. Ang iyong walang hanggang kapalaran ay nakasalalay dito.“

“ Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo … sa bagay na ito’y inihayag ang Anak ng Dios upang iwasak ang mga gawa ng diablo. Ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala … dito nahahayag ang mga anak ng Dios at ang anak ng diablo…“ (1 Juan 3:8-10).

1)     Ang layunin sa pagparito ni Jesus ay upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan

Mat. 1:21“ At siya’y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y JESUS; sapagka’t ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.“

Lucas 1:68-75 “Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagka’t kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan … Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway, Ay paglingkuran natin siya ng walang takot, Sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.“

Tito 2:14 “Na siyang nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, upang tayo’y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili ang bayang masikap sa mabubuting gawa …“

1 Juan 3:8 “Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka’t buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo.“

2)    Ang naligtas mula sa kanilang  mga kasalanan ay hindi na kailangan pang magpatuloy na magkasala at magsisi

Lucas 15:7 “Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu’t siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.“

Juan 5:14 “… Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.“

Roma 6:1-2 “ Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari …“

3)    Ang anak ng Dios ay may kakayahang mapaglabanan ang tukso

1 Cor. 10:13 „Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa’t tapat ang Dios, na hindi niya itutulot na kayo’y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito’y inyong matiis.“

2 Ped. 2:9 „Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso …“

4)    Matapos malininsan ng dugo ni Jesus, tayo’y maaring manatiling malinis

Roma 6:6-7 “Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; Sapagka’t ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.“

Gal. 5:24 “At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.“

Col. 1:22 “Gayon ma’y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo’y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya.“

Sant. 1:27 “Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.“

1 Juan 5:18 “Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa’t ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama. Nalalaman natin na tayo’y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.“

Judas 24 “Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo’y makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.“

5)    Ang biyaya ay hindi magtatakip ng kasalanan, kundi magbibigay ng kapangyarihan upang  mapagtagumpayan ang kasalanan.

Roma 6:1-2 “Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan?“

Roma 6:15 “Ano nga? mangagkakasala baga tayo, dahil sa tayo’y wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari.“

Tito 2:11-12 “Sapagka’t napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao, Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito.“

Judas 4 “Sapagka’t may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios …“

6)    Ang sinumang nagkakasala ay alipin ng kasalanan, hindi alipin ng Dios

Juan 8:34,36 “Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan … Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo’y magiging tunay na laya.“

Roma 6:16-22 “Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo’y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid? Datapuwa’t salamat sa Dios, na, bagama’t kayo’y naging mga alipin ng kasalanan, kayo’y naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo; … sapagka’t kung paanong inyong inihandog ang inyong mga sangkap ng katawan na pinaka alipin ng karumihan at ng lalo’t lalong kasamaan, gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal. Sapagka’t nang kayo ay mga alipin ng kasalanan, kayo’y laya tungkol sa katuwiran … Ang wakas ng mga bagay na yaon ay kamatayan. Datapuwa’t ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios, kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal, at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan.“

7)     Ang mga nagkakasala ay patay ispiritual

Roma 6:13 “… kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay …“

Roma 7:5 “Sapagka’t nang tayo’y nangasa laman, ang mga pitang salarin … ay nagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipagbunga sa kamatayan.“

Roma 8:6 “Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa’t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.“

Efe 2:1 “At kayo’y binuhay niya, nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan.“

Col. 2:13 “At nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan …“

1 Tim 5:6 “Datapuwa’t ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, bagama’t buhay ay patay.“

8)    Ang tunay na mga Cristiano ay patay sa kasalanan

Roma 6:2 “Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan?“

Roma 6:6-7 “Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; Sapagka’t ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.“

Roma 6:11 “Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo’y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni’t mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus.“

Gal. 5:24“At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.“

9)    Ang  poot ng Dios ay sumasa mga nangagkakasala

Roma 1:18 “Sapagka’t ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan.“

Roma 2:8-9 “Datapuwa’t ang sa mga palaaway, at mga hindi nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay ang kagalitan at kapootan, Kapighatian at kahapisan, ang sa bawa’t kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama …“

       Col. 3:5-6 “Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya’y pagsamba sa mga diosdiosan; Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway“

       Efe. 2:2-3 “Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway; Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo’y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba“

Heb. 10:26-27 “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy …“

10)Ang mga nagsisipagsabing sila’y ligtas ngunit di namumuhay ng banal ay         magugulat sa paghuhukom

Mat. 7:22-23 “Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.

11)  Ang mga nangagkakasala ay walang bahagi sa kaharian ng Dios

Roma 14:17 “Sapagka’t ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo.“

1 Cor. 6:9 „O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? …“

      Gal. 5:21 “… tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.“

Efe 5:5 “Sapagka’t talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.“

12) Ang mga nagsisibalik sa kasalanan ay mawawala ang kanilang kaligtasan

Ezek. 33:12-13 “… Ang katuwiran ng matuwid ay hindi makapagliligtas sa kaniya sa kaarawan ng kaniyang pagsalangsang … ni ikabubuhay man ng matuwid ang kaniyang katuwiran sa araw na siya’y magkasala … kung siya’y tumiwala sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, anoman sa kaniyang mga matuwid na gawa ay hindi aalalahanin; kundi sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa doon siya mamamatay.“

Gal. 2:17-18 “Nguni’t kung, samantalang ating pinagsisikapan na tayo’y ariing-ganap kay Cristo, ay tayo rin naman ay nangasusumpungang mga makasalanan, si Cristo baga ay ministro ng kasalanan? Huwag nawang mangyari. Kung akin ngang muling itayo ang mga bagay na aking sinira, sa aking sarili ay pinatutunayan ko na ako’y suwail.“

2 Ped. 2:20-22 “Sapagka’t kung, pagkatapos na sila’y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una … Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.“

13) Ang mga nangagkakasala ay hindi makakita ni makakilala sa Dios

Mat. 5:8 “Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Dios.“

Mat. 7:23 “At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.“

Heb. 12:14 “… pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon.“

1 Juan 1:6 “Kung sinasabi nating tayo’y may pakikisama sa kaniya at nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan“

1 Juan 2:4 “Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya.“

1 Juan 3:6 “ Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, ni hindi man nakakilala sa kaniya.“

3 Juan 11 “… Ang gumagawa ng mabuti ay sa Dios: ang gumagawa ng masama ay hindi nakakita sa Dios.“

14)Ang sinomang umibig sa sanglibutan ay hindi pag-aari ng Dios

Efe. 2:2-3 “Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito … ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo’y katutubong mga anak ng kagalitan …“

Sant. 1:2 “Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.“

Sant. 4:4 “Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.“

1 Juan 2:15-16 “Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama. Sapagka’t ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.“

15) Hindi dinidinig ng Dios ang mga makasalanan

Awit 66:18 “Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon“

Isa. 1:15-16 “At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo’y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo. Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan.“

Isa. 59:2 “Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya’y huwag makinig.“

Juan 9:31 “Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan: datapuwa’t kung ang sinomang tao’y maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya’y pinakikinggan niya.“

1 Pet. 3:10-12 “Sapagka’t, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya: At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti; Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan. Sapagka’t ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing: Nguni’t ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.“

16)Ang mga Cristiano ay di dapat makisama sa mga nagsasabing  ligtas ngunit  nagkakasala

1 Cor. 5:11 “Datapuwa’t sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya’y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo’y huwag man lamang kayong makisalo.“

2 Tes. 3:6 “Aming inuutos nga sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo’y magsihiwalay sa bawa’t kapatid na lumalakad ng walang kaayusan, at hindi ayon sa aral na tinanggap nila sa amin.“

Efe. 5:11 “At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain.“

1 Tim. 5:20 “Sila na mga nagkakasala ay paalalahanan mo sa harapan ng lahat upang ang iba nama’y mangatakot.“

2 Tim. 3:2-5 “Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang … maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.“

2 Juan 9-10 “Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios … Kung sa inyo’y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin.“

17) Ang mga Cristiano ay lulamalakad sa Espiritu, hindi sa pita ng laman

Roma 8:1 “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.“

Roma 8:13 “Sapagka’t kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa’t kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo.“

Gal. 5:16 “Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.“

Gal. 5:24 “At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.“

1 Ped. 2:11 “Mga minamahal, ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga nangingibang bayan at nagsisipaglakbay, na kayo’y magsipagpigil sa mga masamang pita ng laman, na nakikipaglaban sa kaluluwa.“

2        Ped. 1:4 “… yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.“

18)Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, napapanatili ng mga Cristiano ang

      kanilang mga sarili na walang dungis

2 Cor. 7:1 “Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.“

1 Tes. 5:22 “Layuan ninyo ang bawa’t anyo ng masama.“

2 Ped. 3:11 “Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain.“

2 Pe. 3:14 “… pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya.“

1 Juan 3:3 “At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya ay naglilinis sa kaniyang sarili, gaya naman niyang malinis.“

1 Juan 5:18 “Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa’t ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.“

19)Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo

Juan 8:41-44“Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama … Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin …“

Efe. 2:2 “Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin …“

1 Juan 3:8 “Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka’t buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo.“

1 Juan 3:10 “Dito nahahayag ang mga anak ng Dios, at ang mga anak ng diablo: ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid.“

    20)Ang mga Cristiano ay sumusunod sa halimbawa ni Cristo

1 Ped. 1:15-16 “Nguni’t yamang banal ang sa inyo’y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; Sapagka’t nasusulat, Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal.“

1 Ped. 2:21-22 “Sapagka’t sa ganitong bagay kayo’y tinawag: sapagka’t si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo’y iniwanan ng halimbawa, upang kayo’y mangagsisunod sa mga hakbang niya: Na siya’y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig.“

1 Juan 2:6 “Ang nagsasabing siya’y nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya.“

21) Ang banal na buhay  ay hindi nagbubunga ng masamang bunga

Mat. 7:17-18 “Gayon din naman ang bawa’t mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa’t ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama. Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti.“

Lucas 6:43 “Sapagka’t walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti.“

Heb. 6:8 “Datapuwa’t kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.“

      22)Ang mga Cristiano ay may malinis na budhi

Gawa 23:1 “At si Pablo, na tumititig na mabuti sa Sanedrin, ay nagsabi, Mga kapatid na lalake, ako’y nabuhay sa harapan ng Dios sa buong kabutihan ng budhi hanggang sa mga araw na ito.“

Gawa 24:16 “Na dahil nga rito’y lagi rin akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao.“

1 Tim. 1:5 “Nguni’t ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na puso at sa mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw.“

23)Hindi  sa kung ano ang ating ikinukunwari, kundi kung ano ang ating       ipinamumuhay  ang mahalaga

Mat. 7:20“Kaya’t sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila.“

Luc. 6:46“At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?“

      2 Tim. 3:5 “Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.“

Tito 1:16 “Sila’y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni’t ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa …“

 24)Ang mga makasalanan ay hindi makakapasok sa langit

Juan 8:21 “Muli ngang sinabi niya sa kanila, Yayaon ako, at ako’y inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.“

Apoc. 21:27“At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan …“

25)Ang saligan ng Dios ay ang paglayo sa lahat ng kasamaan

2 Tim. 2:19 “Gayon ma’y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, Lumayo sa kalikuan ang bawa’t isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.“

26)Ang isang Cristiano ay bagong nilalang: ang dating makasalanang pamamaraan ay nagsilipas na

       Ezk. 36:26-27 “Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.“

       2 Cor. 5:17 “Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.“

27)Ang kaligtasan ay may dalang kasakdalan ng puso na hindi matatamo sa ilalim ng Lumang Tipan

     Mat. 5:48 “Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.“

     Heb. 7:19 “Sapagka’t ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal, at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling …“

    Heb. 10:14 “Sapagka’t sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal.“

28)Ang mga nagsisiibig sa Dios ay tumutupad sa Kaniyang mga utos

     Juan 14:15 “Kung ako’y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.“

      Juan 14: 21 “Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya’y iibigin ko, at ako’y magpapakahayag sa kaniya.“

      1 Juan 2:3-4 “At sa ganito’y nalalaman natin na siya’y ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos. Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya.“

29)Ang Dios ay hindi nagbibigay ng mga utos na impossibling sundin

      Mat 5:48 “Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.“

       Juan 8:11 “At sinabi niya, Wala sinoman, Panginoon. At sinabi ni Jesus, Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.“

      1 Cor. 15:34 “Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala …“

      1 Juan 2:1 “Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo’y huwag mangagkasala …“

       1 Juan 5:3 “Sapagka’t ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.“

Leave a Comment