Babasahin

Isang Kaibigan ng Sanlibutan?

Bakit kaya marami ngayon sa mga nag-aangking sila’y Kristiyano ay nangag-iingat na lumakad sa paligid ng katotohanan sa pagsisikap na …

Bakit kaya marami ngayon sa mga nag-aangking sila’y Kristiyano ay nangag-iingat na lumakad sa paligid ng katotohanan sa pagsisikap na matiyak na hindi nila masasaktan ang damdamin ng sanlibutan? Kailan pa nagsimula na ang kaaway ng Dios ay magbigay-halaga sa ganitong mapagkandiling pag-aalala? At paanong ang Katotohanan ay itinuring na may gayong kawalan ng dangal at kahihiyan sa pamamagitan nila na nag-aangking niyayakap ito! Para bang niyayakap nila ito sa abot ng kanilang mga bisig na baka sakaling isipin ng sanlibutan na masyadong maalab ang paggiliw nila dito.

Kahiya-hiyang mga duwag, ang kabuuan ng maraming nangag-aangkin! Ni hindi nila alam ang kaluwalhatian ng krus ni ang mga kabulukan na nasa sanlibutan. Hindi nila kilala ang Kristo na kanilang inaangkin, ni ang kapangyarihan ng Kanyang dakilang kaligtasan o ang sanlibutan ay mapapako sa kanila—isang basahan na itatapon sa likod nila ng may panghahamak.

Isang Kristiyano, isang kaibigan ng sanlibutan? Hindi ito maari, sapagkat tunay na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipagaway sa Dios (San. 4:4). Lumakad sa pintig nito? Sumulyap sa mga mga ngiti nito? Magbihis para sa pagsang-ayon nito? Hindi ang Kristiyano! Iwan ito sa may mga salawahang-isip na humihinto sa pagitan ng dalawang opinyon at nahihiyang lumakad na kasama ni Kristo. Ang Kristiyano ay walang ganito.

Ang ilan ay nagsasabing ang mga panahon ay nagbago na at ang mga Kristiyano ay dapat gumamit ng iba’t ibang mga paraan upang makuha ang kalooban ng sanlibutan kaysa noong nakalipas. Malaking kasinungalingan ni Satanas! Huwag ito paniwalaan! Ang ganitong karunungan ay makalupa at makadyablo (San. 3:15)—isang dahilan upang lalo pang mabuhay sa laman at makaiwas sa pagsaway ng krus. Ang pangangaral ng krus at paghiwalay mula sa sanlibutan ay ang lumalaging paraan ng pagliligtas sa mga naliligaw at pagpapanaog ng kaluwalhatian. Anomang mas kulang ay makapagpapalaganap lang sa mapangwasak na sari-saring uri ng mga relihiyoso na hindi kaylanman nakawala sa pag-ibig nila sa sanlibutan, samakatwid ay sa kanilang pagpanig para dito.

Salamat sa Dios na Siya ay mayroon pa ring mga hindi makasanlibutan, hindi natitinag, mga natitirang banal na umiibig sa makipot na daan at sila’y masayang humiyaw na nakatakas sila sa kabulukan ng sanlibutan sa mga pita nito. Salamat sa Diyos sa pakikisama ng mga hindi nahihiya!

Ni: S. Mutch

Leave a Comment