Babasahin

Paano ba maligtas

Pakibasa at alamin ang mga sumusunod:1.Ang buhay, gaano man ito katagal, ay napakaikli lamang.2.Mayroong LANGIT na dapat nating nasaing makamit …

Pakibasa at alamin ang mga sumusunod:
1.Ang buhay, gaano man ito katagal, ay napakaikli lamang.
2.Mayroong LANGIT na dapat nating nasaing makamit at mayroon din IMPYERNO na dapat nating iwasan.
3.Hindi magtatagal at ikaw ay naroon na sa walang hanggan.
4.Iyong gugugulin ang walang hanggan sa langit sa kalagayang di mailarawang kaluwalhatian o di kaya’y sa impyerno na kung saan naroon ang pagluha at pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin sa matinding paghihirap.

Nawa’y gisingin ka ng Dios sa katotohanan na bilang isang makasalanan ikaw ay hindi maliligaw, kundi IKAW AY NALIGAW NA.

Kung iyong nakikilala ang ganitong katunayan, maaari kang kumuha ng lakas ng loob sa sinabi ni Hesus: “Sapagka’t ang Anak ng tao ay naparito upang ILIGTAS ang nawala.” Mateo 18:11.

ANG KANYANG PANGALAN ANG NAGPAPAHAYAG NG KATUNAYAN
“At siya’y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y JESUS; sapagka’t ILIGTAS niya ang kaniyang bayan SA KANILANG MGA KASALANAN.” Mateo 1:21

UPANG MALIGTAS KAILANGAN NG PAGSISISI
“MANGAGSISI KAYO; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.” Mateo 3.2
“… mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan.” Lucas 13:3
“Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa’t ngayo’y ipinaguutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako” Gawa 17:30

ANG TUNAY NA PAGSISISI AY MAY KAPAHAYAGAN SA KANYANG MGA BUNGA
“Kayo nga’y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi” Mateo 3:8

1. Malalim na Kalumbayan sa Kasalanan
“Sapagka’t ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot…” 2 Corinto 7:10
“Sapagka’t aking ipahahayag ang aking kasamaan; aking ikamamanglaw ang aking kasalanan” Awit 38:18

2. Bagbag at Mapagsising Espiritu
“Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa.” Awit 34:18
“Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.” Awit 51:17
“Sapagka’t ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako’y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may PAGSISISI AT PAGPAPAKUMBABANG-LOOB, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.” Isaias 57:15

3. Kapahayagan
Kalakip ang nagsisising espiritu, ipahayag ninyo ang inyong mga kasalanan.
“Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” 1 Juan 1:9
“At sila’y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan.” Mateo 3:6

4. Pagtalikod Pag-iwan sa Lahat ng Kasalanan
Hindi lamang sapat na magsisi at magpahayag kundi kailangang IWANAN ang kasalanan.
“Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka’t siya’y magpapatawad ng sagana.” Isaias 55:7
“Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni’t ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.” Kawikaan 28:13
“Kaya nga sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko.” Lucas 14:33
“…humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.” Juan 8:11

5. Isang Mapagpatawad na Espiritu
Kailangang patawarin natin ang mga nakagawa ng pagkakasala sa atin, at kung hindi, ay hindi rin tayo patatawarin ng Dios.
“At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. … Sapagka’t kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan. Datapuwa’t kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.” Mateo 6:12, 14-15
“At kailan man kayo’y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.” Marcos 11:25
“Gayon din naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan, kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso, ng bawa’t isa ang kaniyang kapatid.” Mateo 18:35

6. Pagsasauli / Pagpapanumbalik
Lahat ng mga bagay na ninakaw o kinuha sa pamamagitan ng pandaraya ay kailangang maibalik, maaaring ito’y katumbas ng salapi, at ibigay sa may-ari.
“…at kung sakali’t nakasingil akong may daya sa kanino mang tao, ay isinasauli ko ng makaapat.” Lucas 19:8

7. Pananampalataya
Kapag ibinigay mo ang iyong puso sa Dios sa pamamagitan ng panalangin, gawin mo ang huling hakbang at iyong makikita na ang pasan mong bigat ng kasalanan ay mawawala. Ang iyong puso ay magkakaroon ng lubos na kapayapaan at kagalakan.
“…Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka…” Gawa 16:31
“At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka’t ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya’y nagsisihanap.” Hebreo 11:6
“…at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.” 1 Juan 5:4

Hindi mahirap na sanayin ang pananampalataya upang maligtas kung ang mga bagay na ito ay pinaniniwalaan at ginagawa.
“…ang Panginoon … hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.” 2Petro 3:9
Sinabi ni Jesus, “…ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy.” Juan 6:37

William Beirnes

Leave a Comment